23.9.05

vAsh in HK - Day 5

September 23, 2005
Tired! Kakapagod, ang dami naming ginawa sa training kanina and namasyal kami ang saya. 7:50am na ako bumangon, 2am na yata kasi ako nakatulog kagabi, ganda kasi ng discovery channel, tungkol sa airbus a380 saka yung art of war ng waterloo. Tapos yun hindi ako makatulog kaya late na ako nagising. Konti lang kinain kong breakfast tapos binati ulet ako ni ms brenda, ang cute niya talaga, hehehe. Tapos simula na ulet training. Natapos training ng 5pm, tapos mag-meet kami sa hotel lobby ng 6pm, nakatulog ako, 6:30pm ako nagising, nakakahiya sa kanila. Tapos punta kami sa The Peak, it’s a place where you can view Hong Kong from the top. Ok yung resto na kinainan naming tapos ang ganda ng view. After nun picture taking sila hehehe. Sumakay kami ng cable car pababa! Ang sarap, asteeg, saya! After nun lakad kami, dumaan kami sa tapat ng china bank at hongkong bank! Naalala ko bigla si shamir. Kasi siya nagsabi sa akin na yung HongKong bank building pala, nadidisassemble. Asteeg noh? Sayang nga wala ako magandang camera. Hindi rin kasi maayos kuha sa camera ng phone ko lalo na pag gabi. Tapos sumakay kami ng ferry patawid ng Hong Kong island papunta ng kowloon. Tapos ayun uwian na. Eto pagod na ako at kailangan ko pa ihanda yung mga gamit ko. Uuwi na ako bukas. =)

22.9.05

vAsh in HK - Day 4

September 22, 2005
Nakabili na ako ng pasalubong! Sana magustuhan nila yung mga pasalubong ko. Nakabili na rin ako ng regalo ko kay drew. Ayosh pagod na ako. Si ms brenda binati ako kanina. Siya daw ang nag-aasikaso sa SSC Training naming dito sa hotel, ang ganda niya! Sayang wala ako picture hehehe. Nagpunta ulet kami sa avenue of the stars tapos kumain sa isang Japanese restaurant tapos balik na sa hotel. Binalikan ko yung shop na nakitaan ko ng mga stuff toy. Sana magustuhan ni drew yung pasalubong ko sa kaniya. Sleep na ako, pagod na.

21.9.05

vAsh in HK - Day 3

September 21, 2005
Hello. Pagod na ako. Gusto ko na matulog. Maaga natapos training kanina kasi kailangan sumibat ni Mr. Juergen ng maaga papunta ng Seoul, South Korea. 12nn tapos na kami tapos kain na kami ng lunch. Kasabay naming nag lunch si nakalimutan ko name niya kakaiba kasi eh. Taga PC Maulburg, siya magdidiscuss ng level transmitters. Nagpunta kami ni Nurdin, oo kami lang ni Nurdin at ako ang guide niya hehehe. Pumunta kami sa office ng EH dito sa HongKong. Kewl ng lugar, ayos yung office nila. Sandali lang kami, sinilip lang talaga namin. Gusto ko na sana ulit bumalik ng hotel kaso nagpapasama si Nurdin sa Mosque nila. Yup muslim siya hehehe. 5 minutes lang daw, sabi ko gawin na niyang 10 minutes para mejo makaikot naman ako dun sa area. Naglakad lakad ako hanggang sa makakita ako ng shop ng stuff toy. Tingin tingin lang tapos nakita ko price ok naman. Nakakita ako ng bear para kay drew, dolphin para kay apple at isa pang bear para kay yayin hehehe. Kaso kulang pera ko kaya babalikan ko na lang siya bukas. Pagbalik dito sa hotel inikot ko yung hotel, pinuntahan ko yung shoppoing arcade pero under construction pa pala siya. Pinuntahan ko yung swimming pool at court at gym ayos ang ganda. Then baba na ako kasi magkikita kami ng 6pm para sa dinner. May dumating na dalawang Taiwanese. Yup dami na naming hehehe. Sakay kami ng taxi papuntang Luiyen men. Famous daw yun kasi cheap at fresh ang sea foods. Sunod sunod kasi mga sea food restaurant tapos tabing dagat siya! Asteeg. Kagaya ng dati parang walang katapusan ang dating ng pagkain hehhehe. Busog na busog ako grabe. Si Nurdin nga give up na daw hehehehe. Paano antok na ako. Miss ko na si drew =(

20.9.05

vAsh in HK - Day 2

September 20, 2005
Ang sarap ng tulog ko kagabi, asteeg, walang katulad! Nagising ako ng 630 kaso masyado pang maaga kaya tulog pa ulet ako. Nagising na ulet ako ng 730 tapos yun kuha ng picture sa labas tapos ligo tapos buffet breakfast! Hehehehe. Nakakapagod ang araw na ito pero masaya kasi bukod sa seminar, puro kain ang ginawa ko hehehe. Pagkatapos ng seminar, lumabas kami para mamasyal. Punta kami ng mong kok. Ayos dun parang sosyal na divisoria. Sumakay kami ng KCR train papunta dun, kewl train system nila asteeg. Natawa ako kanina, sa isang istasyon kasi pagkagaling naming ng east tsan shu may sumakay na mga estudyante, mga Chinese, ang gaganda! Sabay text si drew, sabi niya sino daw yung tinitingnan ko! Hahaha! Hindi ako masyado kilala ng best friend ko hehehe. Ang dami tindahan ng electronic shop sa Mong Kok. Para siya sosyal na divisoria tapos ang daming tao. Nakakapagod nga lang maglakad. Sumakay kami ng bus pabalik asteeg din! Ang saya! Tapos nagpnta kami sa avenue of the stars, kita dun ang hong kong island, nakakapagod maglakad. Sigurado ako kung kasama ko si drew yun din ang sasabihin nun, nakakapagod maglakad hehehe. Hindi ka mapapagod kung may mga binili ka, kaso wala ako binili kasi wala naman ako pambili eh ehehehe. Bumawi ako sa dinner naming. Asteeg ang dami! Busog na busog ako. Maghapon puro Chinese food kinain naming. Tama na, pagod na ako. Maaga pa gising tom kasi kailangan maaga makasimula, nabago sked ni mr juergen eh. Byebye.

19.9.05

vAsh in HK - Day 1

September 19, 2005
Whoaah! I did survive my first day in Hong Kong! After a sumptuous buffet dinner, here I am in my room doing documentation of my stay here! Wahahahaha! Ayosh parang totoo no! Hehehehe! Sige eto na ang kwento! I consider this one of the longest day in my life. I’ve waked up 3:45 am. Ay mali, alarm ko pala yun, nag-alarm ng 3:45 pero 4:00 am na ako bumangon. Knowing na 8am pa ang flight hindi ako nagmadali, nanood pa muna ako ng tv for 10 minutes before taking a shower. Alis ako ng bahay ng 4:30. Took a taxi to the airport and then check-in. Ang aga ko nasermunan ng teka anu nga ba siya? Hindi naman siya immigration officer. Sinermunan ako ng tao dun sa check-in counter. Husay kasi ng passport ko eh, parang 15 years ng ginagamit hehehe, natapunan kasi ng cologne kaya ayun basa hehehe. Akala ko nga hindi niya ako papayagan mag-check in eh, baka daw invalidated na yung passport ko kasi nga basa. Tapos tinanong ako anong gagawin ko sa HK, sabi ko mag attend ng training, tapos hiningan ako ng supporting letters at documents, buti na lang may dala ako. Tapos binalingan uli yung passport ko, dapat daw iniingatan ko yun, eh iniingatan ko naman eh, hindi nga lang naingatan mabuti :p nangangatwiran pa eh no. It reflects our personality daw, naisip ko, yung passport ko natapunan ng cologne, ibig sabihin ako mukha rin natapunan ng cologne hahahahahaha! Tapos kailangan ko mag fill up ng immigration card, wala ako ballpen buti na lang makapal ang mukha ko manghiram hehehe. Tapos ang sumunod ko naman hinarap eh ang masungit na immigration officer na matandang dalaga yata na mukhang wala sa bokabularyo niya ang salitang ngiti. Hindi ko nalagyan ng address yung space na saan daw ditto sa HK ako mag-stay, bigla akong tanungin gamit ang boses ni Bella Flores, "san ka tutuloy sa HK?" Sabi ko sa Royal Garden Hotel, sagot niya "isulat mo!" Kaya isinulat ko nanginginig pa, gamit ang ballpen niya hehehe. Akala ko nga bubusisiin pa niya yung passport ko na nilait lait na ng kumag kanina buti na lang hindi. Tapos dun na ako sa final security check, kung yung immigration officer hindi marunong ngumiti, yung lady guard naman na sumalubong sa akin ngiting-ngiti! Siya naman wala sa bokabularyo niya ang salitang simangot. Maiisip mo paano kaya hitsura niya pag nakahuli ng may dala-dalang prohibited substance, naninita pero nakangiti pa rin hehehe. Ayos nga eh, at least paglagpas ko sa dalawang masungit nakakita naman ako ng nakangiti. Punta ako ng gate 6 kasi dun daw ang boarding gate naming. Eh ang aga, 6 am nasa loob na ako, kaya naghanap muna ako ng kape. Nakakita naman agad ako, ang mahal ng kape sa airport, P35 isang cup pero ok lang, cute naman yung nagserve eh, hehehe. Tapos mukhang nacute-an din siya sa akin kasi sabi niya sa kasama niya nung pagtalikod ko, kamukha ko daw si harry potter hahahaha! Ayun dumating din ang 7:15am, boarding time, ayos nga eh, ontime ang PAL ngayon. Tapos eksakto 8am lumipad yung eroplano. 1 hour and 40 minutes ang biyahe sa plane. Lumapag yung plane sa airport ng 9:40am, nakalabas ang pasahero ng after mga 10 minutes. Mahaba ang pila sa immigration pero ok lang, madali lang naman eh, wala na gaano setseburetse. Hi tech yung airport ng HK, may temperature scan, tapos ang daming chinesse, bakit kaya? Hahahaha! Nagsawa agad ang mata ko sa mga magagandang dalagang chinesse! Ang cucute! Liliit ng mga mata nila, nakita ko nga si Bea eh, pati na si Keren at Tita Bella niya hehehe :p Pagkalabas ko ng immigration kuha ako ng baggage ko na kabibili ko lang eh may punit na hahaha! Nagpapalit ako ng dollar, HK$ 7.2 per dollar ang rate, nagpapalit ako ng $20 kaya HK$144 ang equivalent, galling ko noh?! Shempre base yan dun sa counter nila hehe. Tama lang yung pera ko kasi HK$120 daw yung Hotel Shuttle bus hanggang sa hotel. Kaso nung kukuha na ako ng ticket para sa shuttle bus, suggest nung lalaki sa booth na mag train na lang daw ako kasi mas mura. Actually hindi nga suggestion yung paraan niya ng pagkakasabi eh. Parang sabi niya magtrain ka na lang, mas ok kesa sa bus. Hindi ko alam bakit promote niya yung train hindi yung shuttle bus nila hehehe. Pero ok ang train, mabilis tapos maganda din ang view, kita ko ang dagat at magagandang girls hahahaha! Unang stop ng train Tsi Yi, tama ba? Nakalimutan ko na agad, tapos saka pa lang ang kowloon. Very nice ang mga tao, mababait, hindi ka maliligaw. Hintay ako ng free shuttle bus hanggang sa Kowloon Regal Hotel. Katabi nito yung Royal Grand na tinutuluyan ko. After nun pasok na ako, check-in ang cute ni Ms Polly Lai, kaso hindi siya yung nag-asikaso sa akin, Christine name nung nag-assist sa akin, cute din siya pero mas cute si Ms Polly Lai hehehe. Tapos ayun pagdating dito sa room, binuksan ko kaagad ang mahusay na plasma wide screen TV! Asteeg, sana pwede ko siya iuwi hehehe. Tapos browse ng mga palabas, shocks, puro chinesse wala ako maintindihan. News pati movies. Merong tatlong channel para sa movie, dalawang channel pay movie, ung isa free pero ang palabas tatlo lang, Ghost Ship, Tears of the Rising Sun and Enough. Napanood ko na lahat yun eh! Kaya idlip na lang muna ako hehehe. Kuha ako ng picture ng view dito sa window. Tapos gising ulit kuha ulit ng picture. Bukas ng umaga kukuha ulet ako ng picture para kumpleto yung morning noontime at evening pic ng view mula dito sa room hehehe. Nagising ako ng 5:30PM nood tv tapos prepare para sa welcome dinner. Asteeg exciting yung dinner kasi buffet, saka free hehehe. Dami ko nakain, tapos sinamantala ko yung salmon sushi, naalala ko bigla si drew ko, favorite niya yun eh. Ipagbabalot ko nga sana siya kaso bawal take out hahahaha! Sige na antok na ako bukas naman yung iba. Byebye.

30.5.05

Althea Nadine Alarcon Tan

-dRew-

Drewwww!!!! Nakilala ko si Drew matagal na din, siguro mga humugit kumulang sa sumobrang taon na. Nakikita ko na siya dati pa sa mga assembly, Tapos nakasama na ako sa swimming nila sa Laguna noon kasama yung kaibigan ko na kaibigan ng mama niya. Pero hindi pa kami nag-uusap noon kasi napakatahimik niya. Hindi ko nga alam kung pipi ba siya o sadyang tahimik lang hehehe. Tapos nahihiya pa ako lumapit sa kanya kasi nga tahimik tapos ang liit ng mata, parang ang talim tumingin tapos kapag tumaas pa yung kilay, nanang ko po!!!! Hehehehe. Nakasama ko na rin siya gumimik noon sa Laffline ba yun, sa may timog. Dun ko nalaman na nagsasalita pala siya hehe kasi hiniram niya yung celpfon ko para mangopya siya ng quotes hehehe. After nun wala na.

April 25, 2004, graduation ni Chiasso (bestfriend ni Nadia whehehehe) nagkasama kami sa isang lamesa habang umiinom wehehehehe. Kami lang umiinom patikim-tikim lang siya hehehe, naging magtextmate, di ko na maalala kung paano pero basta yun na yun! Siya nakaalala ng date na yan hindi ako, alam nyo naman ako 3 date lang ang tanda ko. Bertdey ko, baptism day ko at yung isa secret hehehe. Ngayon apat na nadagdagan na ng April 25 hehehehe.

Tinawag ko siyang Drew kasi secret, tanong ninyo na lang siya =p. Tawag niya sa akin Sykhe kasi Psycho daw ako. Kung akala ninyo tahimik si drew, tama naman kayo, pero hindi pa ninyo siya ganun kakilala, kasi napakakulet talaga ng babaeng yan! Marahas pa, gustong-gusto niya na naka-cap ako para nahahampas niya ako dun. Tapos pag magkasama kami dapat magkatabi kami o kaya nauuna ako ng konti para nahahampas niya ako. Pero mas gusto ko na kaharap ko siya pag kausap ko siya, kasi para nakikita ko yung mata niya. Nagtataka kayo kung anong meron sa mata niya?! Secret ko na lang yun! Wahahahaha! Bihira lang mangyari yun pero pag nakita ninyo walastik! Anlupet!

Drew, lagi ka po mag-iingat ha, lagi lang andito si Sykhe para sayo. Pati si Shermel, Shem, vAsh, Rico, Nathan, Luigi, Tristan at shempre si Patrick! Wag mo pababayaan sarili mo dun ha, saka wag pababayaan ang pulong at paglilingkod at pag-aaral at pagpapacute at pambobola at ano pa? At kapag umaandar ang Drewmachine mo, text mo lang ako, I'll always do my best to be there for you, dahil sa Smart, malayo ka man malapit din! Ay mag-susun na nga pala ako hehehe. ich liebe dich my betterfrend!

5.4.05

Keren Kristine Maglangit Tan

Girl of My Dreams

Nakilala ko si Keren noong hindi ko na maalala. Bata pa kami noon, as in bata pa talaga, elementary. Bata pa rin naman kasi kami hanggang ngayon eh. Ang naaalala ko na lang lagi ko na siyang nakikita, crush ko nga siya noon pa, nabighani kasi ako ng kaniyang mga mata, ang cute kasi eh, ang liit hehehehe. Unang tingin ko sa kaniya mataray na masungit, parang kakatakot lapitan, eh liit nga ng mata niya kaya kala mo matalim tumingin, pero ganun lang talaga siya. Bait yun, hindi nangangagat, hindi rin nangangalmot, pero nanlalagay ng ribbons! Bwahahahahha!

Girl of my dreams? Kasi lagi siyang laman ng mga bangungot ko! Ngiyahahahaha! Beru lang. Kasi ganito yun. Matagal na rin kami magkakilala pero ganun lang, Dati nakakausap ko siya sa phone, kwentuhan ng kung anu-ano lang. Tapos minsan text, palitan ng quotes. Gusto ko siya maging ka-close, pero hindi ko alam kung paano. Kaya inasam ko na lang sa aking mga pangarap na sana dumating yung time na yun. Sa mga pulong at assembly, gusto ko siya lapitan at batiin, makipagkwnetuhan. Kaso kapag andiyan na siya natetense naman ako, hindi ko alam kung paano ko siya babatiin. Minsan nga sa assembly humirit lang ako ng pangulit para lang magpapansin sa kaniya kaso sablay, hindi maganda ang naging dating sa kaniya, nainis pa siya sa akin tuloy noon! Mwahahahahahahaha! Hanggang ngayon siya pa rin ang aking Girl of My Dreams. Mahal ko yang girl na yan, hindi nga lang halata. Gusto ko siyang tawagin prinsesa kaso ayaw ko kasi may tumawag na sa kaniya nun eh.

Kewl?! Sobra! Sarap kasama, kakulitan, kakwentuhan, ano pa ba?! Alam nyo ba na natupad naman yung pangarap ko noon na maging close kami?! Nagsimula ang lahat ng hindi ko na rin maalala kung paano.. paano nga ba? Hehehehe. Ganito, last year textmate kami, palitan ng quotes, kamustahan paminsan-minsan, tapos nun usap din sa phone kwentuhan ng kung ano-ano, anything sa ilalim ni haring araw, hanggang sa mga hinaing ng buhay namin. Tapos nung district assembly naming last December, hindi siya naka-attend ng Saturday morning. Tinanong ko siya kung gusto niya umattend sa ibang circuit, samahan namin siya ni jhe. Ayun, dun na nagsimula ang lahat. January 1. Ang dami nangyari nung araw na yun, madami talaga hahahahahaha! Naging sobrang memorable yun araw na yun. After nun sunud sunod na din ang gimik namin as a group, same interest din kami sa music, mejo mellow lang sila ng konti, pero dahil sa kanila naappreciate ko na rin yung dating ayaw kong music, at ngayon isa na kami upcoming (paakyat sa hagdan) at promising (maraming pangako) na lokal band! Niloloko nga ako ni jhe eh, sabi niya sa akin dati kapag umaalis kami, dali vAsh, umayos ka, matagal mo hinintay yung pagkakataon na ito diba?! Lakwatsador din tong babae to, hindi nga lang halata, magaling magdala eh hehehehe.

Keng, nasan ka man ngayon, teka nasan ka ba?! Joke! Hehehe, wish ko ganun pa din, alam mo na yun, ayaw ko na ulitin kasi alam mo na yun, dadagdag na lang ako. Additional wish ko sana magkaroon ka pa ng maraming wish na matutupad agad. Hehehehe, naguluhan ka ba? Ako din eh, nahilo ako sa sinabi ko nay un. Basta po andito lang ako palagi, kami nila jhe, kung ikaw ay may problema, marami tayong option, kung gusto mo mag-ingay sabihin mo lang, pwede rin tayo magkape at magpahuli sa mga kapatid at parents mo. Pwede din na samahan ka naming lagyan ng ribbons si arancione at chiasso. Name it, suportahan ka namin! Oist, isip ka na lang ng ibang paraan paano ako makabayad sa utang ko sayo, wag na lang yung iniisip mo nung isang gabi… Mahirap masyado yun hehehehe.

26.3.05

Ricca Joy Bebero dela Cruz

-What?!-

Teka, teka, teka... Anong ginagawa mo sa list ko ng kewl gals?! Nagkaroon yata ng switching of envelopes!? Teka hold muna papaimbestigahan ko muna bakit nasama sa list yung name na yan... tsk tsk tsk. Hindi pwede to!!!

Joke lang. Hehehehehe. Kewl naman si Ricca, sino bang nagsabing hindi?! Uyy wala ako sinabi ha! ;-p hehehehe. Nakilala ko si ricca sa isang discussion board din. Tapos naging chatmate kami. Kulitan lang kasi makulit din siya, masaya at masarap kausap kasi she always tries to make you feel good lalo na kapag medyo may dinadala ka sa iyong sinapupunan este sa iyong likuran pala, yung tipong pasan mo ang daigdig. Kaya lang madrama din ang buhay ng dalagang ito. Hehehehe. First meeting namin was in February 2003, biglaan yun eh, nasa work ako tapos ka-chat ko siya tapos nasabi ko lang bigla kung pwede ba kami mag-meet tapos ayun pumayag siya at nagmeet kami. Hehehehe. Ayaw ko pa kasi umuwi ng bahay nun ang it's nice na nandun siya para makinig sa mga non-sense kong pinagsasabi. Nung makita ko siya feeling ko ako si Tonton Gutierrez eh, kamukha ni kasi si Glydel Mercado. Pramis hindi ako nagbibiro, kahit tanungin nyo pa yung ibang nakakita sa kaniya. Ayun sila oh, teka bakit nawala sila, oist bumalik kayo dito!


Naging close kami nung kelan ba? Hindi ko na maalala hehehehe. Ang naaalala ko madalas ako pumunta sa kanila since malapit lang yung bahay nila sa workplace ko kaya pinupuntahan ko siya para makipagkulitan at kwentuhan. Tapos nagsayaw pa kami para sa wedding ng isa naming friend. Nasira nga lang yung closeness namin ng meron nagkalat ng hindi magandang kwento sa amin. First time ko lang kasi naexperience yun eh, hindi ko alam gagawin ko kaya ang nagawa ko eh lumayo na lang ng walang pasabi. Haay, sablay talaga. Pero buti na lang we've still managed to patch things up, friends pa din kami pero hindi na kagaya nung dati. Nagkalamat na eh. Too bad i didn't prove myself worthy enough to be one of her close friend. Buti na lang beautiful people were never really alone, sabi nga eh, if you can't take care of her, someone or somebody else will do. Oist, ikaw kung sino ka man na nag-aalaga ngayon kay ricca, umayos ka ha! Alagaan mo siyang mabuti, kung hindi babawiin ko siya sayo!!! Hehehehe.

Ricca, saan ka man naroroon alam kong nandiyan ka lang sa mandaluyong hehehe at ako nandito lang sa valenzuela at diyan lng sa ortigas work ko. Kung kailangan mo ng kausap text ka lang, padala ka na rin ng pangreply para makapagreply ako. Joke lang. Ingat po lagi ha.

25.3.05

Apple Garcia Dizon

Love of My Life

Well, she used to be, but i will admit hanggang ngayon may puwang pa din siya sa puso ko. Sabi nga ni Chito ng Parokya ni Edgar... "nasa puso pa rin kita, hindi ka na mabubura. pangako sa iyo, sasama ako saan man patungo."

Nakilala ko siya kelan ba? Ang tagal na hindi ko na maalala. High school kami noon eh. Isinama ako ng kaibigan kong si kuya jojo dun sa kanila sa pampanga. Dun kami tumutuloy sa bahay ng pinsan niya, at ipinakilala ako sa kanya. Unang kita ko sa kanya, naglalaro pa kami ng basketball. Wala akong suot na salamin noon kaya hindi ko siya ganun namukhaan. Kaway naman ako at kaway din siya. After nun bihis na kami para dumalo sa pulong. Nung ipakilala ulit siya, shocks! Natulala ako! Tuluyan na akong naniwala sa angel! Akala ko nga Angel Dizon Name niya eh, apple pala hehehe. Teka sobrang pambobola na yata yun! Hehehehe.

Very opposite siya ng ideal girl ko. Hindi ko nga malaman bakit na-inlove ako sa kanya eh. Hehehe, nabighani ako ng kanyang malalaking mga mata! Hahahahaha! Sana wag niyang mabasa to baka patayin ako nun hehehe. Sobrang busy siya ngayon. Hirap naman kasi ng kinuhang niya kurso. Sana maka-survive siya, sana nga may magawa ako para matulungan siya eh. Ang magagawa ko lang ay lumugar sa likod niya tapos kalabitin siya at sabihin, miss nakatapak ka ng ebak este miss andito lang ako pag kailangan mo ng kausap ha. Hintay lang ako dito.

Wish ko sana malusutan mo ang mga pagsubok mo sa paaralan, tiyaga lang, ika nga eh kapag may tiyaga, may tinola! diba?! Kung ano man maging desisyon mo suportahan kita. =)

Maricel Cosio Concepcion

My Twin Sister

Ilan taon na tayo magkaibigan Che?! Nagkakilala kami nung 3rd year highschool kami, classmate ko siya eh. Pero hindi kami close, casual lang. Ang totoo, hindi ko na maalala kung kelan at paano ba nangyari ang lahat bilang isang tulang medyo romantiko ang banat hehe. Nung 4th year yata kami nagging close. Hindi ko na talaga maalala kung bakit at paano, pasensiya na, pero ang mahalaga magkaibigan pa rin tayo diba?! Siya na lang nga ang kaklase ko na hanggang ngayon eh may communication pa rin kami.

Sa tagal na naming magkaibigan, madami na kami pinagsamahan, kulitan, tawanan, iyakan… oo iyakan, di ba sabi ko nga marunong din ako umiyak, konti lang sila na nakakarinig nun at kasama na si che dun hehehehe.

Miss ko na to, tagal na din nagkikita, buti na lang may unlimited text ang smart ngayon at mas madalas na kami mag-update sa isa’t isa ng tungkol sa mga kasalukuyang gulo at kakatwang pangyayari sa mga buhay namin.

Sana malusutan mo na mga doubts na na-eexperience mo, uulitin ko lang, alam ko naman na alam mo na andito lang ako, kahit hindi halata. =)

Leslie Flores Ariem

Leslie Syndrome

Bagong sakit yan. Ang lahat ay binababalaan na mag-ingat. Ang sakit na iyan ay nakukuha sa matagal na pagtitig sa webcam habang nakikipag-chat sa kanya. Hehehe.

Nagkakilala kami ni leslie sa brgy gig sa baguio nung January 2004. kulet nga nun eh, tawagin ba naman niya akong clown, bilhin ba naman kasi at tawanan ba naman lahat ng jokes ko! Kaya ayun hindi ako nalugi hehehehe. Chatmate ko to, sa chat kami lagi nag-uusap at nagkukulitan. Hindi na kasi kami ulet nagkita after ng brgy gig, anlayo naman kasi ng baguio eh. Nung huling umakyat naman ako ewan ko ba hindi kami nagkita. Cute siya at kewl, at madami nagkakagusto sa kaniya ehehehehe. Hindi ko na sasabihin kung sino sila dahil wala naman sila kwenta! LOL joke lang hehehehehe.


Kewl siya kasi rakista din to, at makulit at palatawa at ano pa ba? Yun lang ngiyahahaha! Pag nagchachat kami at kapag pinatatawag ko siya sa fone, kasi naka-unlimited call siya eh hehehehe, wala kaming alam gawin kundi magtawanan. Ang sarap kasi tumawa eh, sana Leslie lagi ka masaya, kung hindi ka man masaya, isipin mo na lang si clown vAsh mo para matatawa ka hehehehe. Rock On! Dito lang ako sa tabi-tabi.

24.3.05

Charlene April Evangelista Laberinto

Sweetest Girl Ever

"Napakasaya siguro ng magiging boyfriend ni april!" Sabi ni yannick yan, eh i do agree with him. Grabe napakasweet ng babaeng ito. May resemblance at similiraties sila ng isa kong friend na babae kaya hindi ko makakalimutan tong girl na to! Astig! Ang dami na rin namin napagsamahan and i do experienced yung sweetness niya. Thoughtful, may topak nga lang hehehehe. Moody at snob hehehehe.

Nakilala ko siya September 28, 2002! Galing noh naaalala ko pa. Magaling diyan si april, remembering dates at kung ano ngyari nung time na yun and that's one thing that makes her extra sweet. Minsan magtetext na lang yan reminding us na last year on that same date nasa intramuros kami watching fireworks, yung tipong mga ganun.

Nagsimula kami maging close dahil sa mga eb at gig ng Quasia. at lalo pa kami naging close, kelan nga ba? Ah, nung we did combine ang powers namin para i-organize ang isang gig ng Quasia. Yung Gig sa Las Pinas yun, awards night. I've found out na hindi siya mahirap mahalin, and every does naman eh hehehehe. Kung liligawan ko siguro tong girl na ito dami ko magiging karibal, sangkaterba. Dami nga nagkakagusto sa kaniya eh, kahit san kami mapunta at makita siya, gusto siya makilala. Meron pa nga sa baguio lumapit at nakikipagkilala hinihingi phone number niya at name niya... "hi is april your name? can i have your cellphone?" bwahahahahahaha!

Miss ko na tong babaeng to, nasa kanya pa kasi yung cd ko ng Bigotilyo at nasa akin naman yung cd niya ng chris cornell. Siya ang may sala kung bakit na-hooked ako sa pagbabasa ng mga aklat ni bob ong, kaya ayun naging bukambibig namin lahat ng kalokohan ni bob ong tulad ng boo korni barilin. Miss ko na din yung taho sa minesview, yung fireworks sa intramuros, at yung magdamagang scrabble at kwentuhan sa bahay nila. Miss na din siguro niya yung mango yogurt! Hehehehe. Hayaan mo shang pag nagkita tayo dadalhan ulit kita ng yougurt, sisiguraduhin kong hindi panis yung ibibigay ko sayo hehehehe.

Wish ko sana masaya ka sa lahat ng ginagawa mo ngayon at sana masaya ka sa lahat ng ginagawa mo ngayon at sana masaya ka sa lahat ng ginagawa mo ngayon at higit sa lahat sana maging masaya ka sa lahat ng ginagawa mo. Kung saan ka masaya suportahan kita. Dito lang ako, malayo man ako malapit din dahil sa smart, your simply amazing bwahahahahaha!!!

Helene Joy Abad Parayno

My Ideal Girl

Why?! Almost every characteristic of an ideal girl nasa kanya na. I’ll explain later. Nakilala ko siya last October nung ma-invite ako mag-talk sa congregation nila sa Acacia Lane sa Mandaluyong. She’s very nice at halatang may pagkamakulit. Makwento din siya at friendly. Natakot nga lang ako ng konti ng malaman ko kung ano yung surname niya, Parayno, tapos nalaman ko na isa siyang regular pioneer. Asteeg kasi yung kuya niya , si Kuya Russel, na nakaugnay sa isang congregation na malapit sa amin. Hanlupit nun magpahayag, asteeg ang boses tapos bethelite pa. Wow! Whew kaya ayun takot ako ehehehe.

Why my ideal girl? Sabi ko nga kanina wala ka ng hahanapin pa. She’s very spiritual minded at napakaseryoso. Kagaya ng nasabi ko, she’s a regular pioneer, and imagine, she’s working fulltime. Kaya hectic din ang schedule niya. Pero she do still find time to relax and unwind, nung nakaraan nakasama namin siya na magdinner at manood ng movie at uminom ng kape at hot choco. Makulit din siya at marunong din magbiro. Sabi nga nung isa kong kaibigan na sister, “alam mo shermel kung lalaki lang ako, liligawan ko si helene.” Sabi ko, “ako din, kung lalaki lang ako liligawan ko din siya hehehehe.” She’s pretty, kung makikita ninyo siya, hay naku baka mapatulala kayo.


Sana mas makilala ko pa siya ng higit, lately lang naman kasi kami nagkakilala eh, hindi ko rin alam kung paano ko gagawin yun. Sana maging magkaibigan kami, ang saya at ang sarap magkaroon ng kaibigan na tulad niya. =)

22.3.05

Ma. Grecia Jose Abungan

The one and only Lady of Cool!

Everybody calls her Greyz, nick pa lang astig na san ka pa?! Nakilala ko siya sa isang discussion board. Nagsimula kami mag-chat at palitan ng message nung mag-invite siya manood ng concert ng Oasis nung mid-2003. Kaso hindi natuloy yun eh. Unang meet namin ng magkaroon ng EB Finale ang Quasia noong September 2003, hindi kami gaano nakapag-usap kasi mejo iba yung crowd na napuntahan ko sa mga kasama niya.


Nung una ko siyang makita, grabe asteeg! Ang ganda niya and she really do rocks! Naka-bandana pa siya nun, sayang nga sana makita ko pa yung mga pics namin noon. After nun, sunod namin kita eh gimik na agad! Ininvite niya ako na manood ng concert sa oktoberfest, and sa megastrip yun. Nagkakalapit kami ng music preferences and yun nga yung reason bakit kami naging magkaibigan. Tapos padami na kami ng padami. And dun na nagsimula na maging close kami. Nagkasunod-sunod na ang gimik, nood ng movie, at kung ano-ano pa. Hindi ko na yata kay ikwento dito mga pinagsamahan namin dahil sa dami. Ang masasabi ko lang, miss ko na siya sobra, nasa london na kasi siya with her hubby (hi Papa Jon este... hi Jon! Hehehe)

What I miss about her? The way he kicks my butt kapag mejo nawawala ako sa sarili ko. Hehehe. Very supportive at lovely. Sayang nga eh, wala ka na ba talagang kapatid na babae? Greyz, kung nasan ka man ngayon sana wala lang hehehe... Rock On!!!

21.3.05

Kewl Gals!

In the next episodes of my blog, post ko dito yung tungkol sa mga Kewl Gals sa buhay ko! Abangan... Ngek!

ChickBoy?!

Pwede sa chick, pwede sa boy! Hindi ko na maalala kung san ko ba napulot yang meaning ng chickboy na yan, ang naaalala ko, biruan yan kasi noon sa Quasia may isang member na ang username niya ChickBoy tapos niloloko na siya ng mga kaibigan niya na chickboy, pwede sa chick pwede sa boy kaya ayun kinopya na namin at ikinalat. Kaya daw niya pinangalanan na ChickBoy sarili niya kasi daw chickboy siya, dami nagkakagusto na babae sa kanya! Asteeg noh?! Hindi na lang naging malinaw kung babaeng aso ba or pusa ang nagkakagusto sa kanya hehehe. Ako? Chickboy ba ako? Hindi ko rin kasi sigurado kung ano ba meaning ng chickboy, kung mga girls ang nagkakagusto sayo or madami kang nagugustuhan. Teka babalikan ko yan at itatanong ko muna sa mga eksperto (paging kuya rodel, hehehe). Ang alam ko kasi madali ako magkagusto sa mga pretty at cute na girls. Kahinaan ko yun eh, kapag may magandang babae hindi ko mapigilan lingunin siya at hangaan ang kanyang angking kagandahan. Pero hindi naman ako ang tipo na lalapitan siya at makikipagkilala noh... teka baka may magreact... ngayon hindi na ako ganun. Whew!

19.3.05

Exhausted

Ewan ko, hindi ko alam kung bakit latang-lata at hinang-hina ako ngayon, siguro dahil sa work, lately kasi madalas ako magbiyahe, tapos pagbalik ko sa office medyo dami ding trouble na dapat ayusin, pero ok lang, that's life and i'm enjoying it. Ok nga yun eh kesa naman sa walang trabaho diba. Malaki rin naitulong sa akin nun para makalimot kahit sandali sa problema. Hindi ko na gaano naiisip yung dati kong iniisip kasi pagdating ko sa bahay pahinga na agad. Pero sa totoo ayoko ito yung maging solusyon sa problema ko, gusto ko ng ibang bagay na mapaglilibangan. Alam mo ba na unti-unti na kaming nagiging ganap na banda! Hehehe, kami ang Enero Uno Band! Astig diba, madami-dami na din kami natutugtog na kanta, siguro mga 2 hehehe. Joke lang. Mamaya nga jajamming ulet kami eh. Si keren ang aming vocals at rhythm guitar, si Jhe ang lead guitarists at vocals din, ako sa base guitar at feeling vocals at si ren2 ang drummer. Si Paul ang band manager, at si ate shiela ang aming fans! Bwahahaha! Sige ayawan na mata ko, nag-aayaya ng matulog. =)

12.3.05

"The Most Important Body Part"

My mother used to ask me: "What is the most important part of the body?" Through the years I would take a guess at what I thought was the correct answer. When I was younger, I thought sound was very important to us as humans, so I said, "My ears, Mommy." She said, "No many people are deaf. But you keep thinking about it and I will ask you again soon. "
Several years passed before she asked me again. Since making my first attempt, I had contemplated the correct answer. So this time I told her, "Mommy, sight is very important to everybody, so it must be our eyes. She looked at me and told me, "You are learning fast, but the answer is not correct because there are many people who are blind."
Stumped again, I continued my quest for knowledge. Over the years, Mother asked me a couple more times and always her answer was, "No, but you are getting smarter every year, my child."
Then last year, my grandpa died. Everybody was hurt. Everybody was crying. Even my father cried. I remember that especially because it was only the second time I saw him cry. My Mom looked at me when it was our turn to say our final good-bye to Grandpa. She asked me, "Do you know the most important body part yet, my dear?"
I was shocked when she asked me this now. I always thought this was a game between her and me. She saw the confusion on my face and told me, "This question is very important. It shows that you have really lived in your life.
For every body part you gave me in the past, I have told you was wrong and I have given you an example why. But today is the day you need to learn this important lesson."
She looked down at me as only a mother can. I saw her eyes well up with tears. She said, "My dear, the most important body part is your shoulder."
I asked, "Is it because it holds up my head?" She replied, "No, it is because it can hold the head of a friend or a loved one when they cry.
Everybody needs a shoulder to cry on sometime in life, my dear. I only hope that you have enough love and friends that you will always have a shoulder to cry on when you need it."
Then and there I knew the most important body part is not a selfish one. It is sympathetic to the pain of others.
People will forget what you said...
People will forget what you did....
But people will NEVER forget how you made them feel.

9.3.05

vAsh

mais extraordinaire
though Pitmalu at heart
featherlight on the outside
yet heavy on the inside
he blends well in
all sorts of company
armed with likeable
humility he’ll never
turn his back
to a friend in need
in every endeavor
he will always succeed
the road his heart travels
may seem so confusing
but in the end
it doesn’t even matter
how hard he may try
we know he’ll find his way
out of any mind-boggling,
heart-wrenching obstacles
cause ENERO UNO* is here
and above all, our Heavenly Father
(Amen to that!)


-rodel solmerano
*Quasia yan dati, binago ko na, wala ng Quasia eh bwehehehe.

8.3.05

Mess Up

Messy! Yan ang bago kong nick, cute ba? Hehehehe, bagay naman eh. Ganyan daw ako, messy. Sa ibang salita, sablay. Hindi ako hari, prinsipe lang, kasi meron ng hari at alas, di hamak na mas matino naman ako kumpara sa kanila no, mas cute pa! Hehehehe. Alam ko hindi talent yan, lalong hindi ako papayag na weakness yan kasi may pakinabang ako nakukuha sa pagiging messy. Walang trabaho ang mga janitor at metro aide kung walang messy noh dahil anong lilinisin nila kung walang kalat! Ngiyahahahahahahaha! Ang mahirap lang sa pagiging messy, may mga sitwasyon na napapasok na ewan ko kung gusto bang pasukin o accidentally lang napasok kasi nga messy. At ang pinakamahirap sa lahat ng mahirap eh ayusin ang sablay na nagawa ng isang messy. Naguluhan ka ba? Ako din eh, yan ang isang halimbawa ng gawa ng isang messy. Mwahahahaha! Aba dahil sa pagiging messy ko madami natutuwa sa akin noh, aliw na aliw. Ang pagiging messy ko ay side effect ng kakulitan ko. Makulit ako, masayang kasama, magulo, tornado, disaster. Ayoko ng dull moment kaya gusto ko laging magulo, pati tuloy gamit ko magugulo din hehehehe. Marami natutuwa at naaaliw sa akin, at masaya ako na naaaliw sila sa akin. Lahat ng kakilala ko hindi sanay na makita akong seryoso, pakiramdam ko na tuloy minsan bawal ako magseryoso at magalit. Yung mga sinasabi ko hindi sineseryoso na para bang lagi ako nagbibiro, natawa nga ako minsan, sobrang seryoso ko, lumalaki na nga butas ng ilong ko eh, may sinabi ako, natigilan mga kasama ko, mayamaya bigla sila nagtawanan, natawa na lang din ako. Siguro asset ko yun. Madalas kahit na may problema ako or down ang system ko, nalulungkot lang ako pag mag-isa na lang ako. Umiiyak din ako noh! Yun nga lang sandali lang, tapos hindi halata kasi pagtapos ko umiyak tatawa na ulit ako. Ayoko kasi ng feeling ng ganun, ang lagkit sa mukha ng luha hahahahaha! Hala sige iiyak pa ako este maghahanda pa ako, pulong kasi namin ngayon eh.

Untitled

i told you i love you while i was drunk
i guess my spirit, doubled as it is,
was far stronger than my emotions
we became closer each day
yet you told me you're not yet ready
for anything serious
but i'm afraid your past
will return surretitiously, cunningly
right now, i can't bring us to the next level
i guess i'm afraid to lose you,
our intimacy to fly away...
i'm enjoying every minute of our association
with no strings attached
there's no sense of throwing away
these magical moments with you
time may be on my side
but i don't know if you could be mine somehow
we have a certain closeness now
but there's no exact guarantee
i have to do something,
anything to keep you in my life forever
that is, if that's what you like...
and i'm not really sure of that right now

-rodel solmerano

6.3.05

Tornado

Bwahahahaha! Natatawa talaga ako pag naaalala ko yang word na yan. Pag nabasa to ng dalawa kong kaibigan, yung isa matatawa, yung isa matatawa din pero sarcastic, hehehehe. The word is far from it's meaning. Kapag sinabi kasi naming tornado, it refers to the song Torete ng Moonstar88, which is gustong gusto ng friend naming si *****. (Disclaimer: sa kasalukuyan ay inihihingi pa ng pahintulot kung maaari ipaskil ang kaniyang pangalan dito. Ito ay upang mabigyang proteksyon ang katauhan at dignidad ng taong nasasangkot) Hahahahaha! Gusto niya yun kasi dedicated sa kaniya yun ng isang guy close friend niya dati! Na-torete yata sa kakaisip sa kaniya. Bakit ko nga ba naalala yun bigla? Oist hindi ako natotorete noh, oo lately lagi siya ang naiisip ko pero hindi ibig sabihin nun na torete na din ako noh! Siguro mas ok pa yung term mismo na tornado, kasi parang na-tornado ako ngayon sa sobrang gulo hehehehe. Maaayos din ito... sana... sa lalong madaling panahon!

First time

I don't know why am I here. Maybe just to experience having my own blog, sabi kasi ng special friend ko (special kasi special child siya eh :p) ok daw to, masaya. Ako naman kasi kung ano ginagawa ng mga kaibigan ko na mukhang nag-eenjoy sila sinusubukan ko din, pag nag-enjoy din ako eh di ok, pag hindi suportahan ko na lang sila sa gusto nila, basta wag na lang nila ako pipilitin hehehe. Ang weird ng pakiramdam ko ngayon, hindi ma-explain. Babalikan ko na lang yang topic na yan pag kaya ko na i-explain ha hehehehe. Para naman may makakabasa nito eh noh! Hahahaha! Pambihira nag-uumpisa pa lang ako mukhang nag-eenjoy na ako dito ha. Halos pwede ko na pala sabihin lahat dito. Hi nga pala sa mga fans ko, knug di dahil sa inyo wala ako dito! Bwahahahaha! Greyz! Jon! Effie! Simone! Bibs! Elyyyyyyy! Rodel! Wala lang, sila mga kaibigan ko na sobrang ok, may kuya na at ate ako, may kaibigan pa! San ka pa, miss ko nga sila eh, kaso nasa ibang lupalop sila ng daigdig, si rodel dito pa naman kaso paalis na din, naghahanap nga ako ng bagahe na malaki para kasya ako, sama na ako sa kanya hehehe. Oist hintayin ninyo ako ha, susunod ako sa inyo! Di ko lang alam kung kelan basta pakihintay lang ako ha hehehehe.