5.4.05

Keren Kristine Maglangit Tan

Girl of My Dreams

Nakilala ko si Keren noong hindi ko na maalala. Bata pa kami noon, as in bata pa talaga, elementary. Bata pa rin naman kasi kami hanggang ngayon eh. Ang naaalala ko na lang lagi ko na siyang nakikita, crush ko nga siya noon pa, nabighani kasi ako ng kaniyang mga mata, ang cute kasi eh, ang liit hehehehe. Unang tingin ko sa kaniya mataray na masungit, parang kakatakot lapitan, eh liit nga ng mata niya kaya kala mo matalim tumingin, pero ganun lang talaga siya. Bait yun, hindi nangangagat, hindi rin nangangalmot, pero nanlalagay ng ribbons! Bwahahahahha!

Girl of my dreams? Kasi lagi siyang laman ng mga bangungot ko! Ngiyahahahaha! Beru lang. Kasi ganito yun. Matagal na rin kami magkakilala pero ganun lang, Dati nakakausap ko siya sa phone, kwentuhan ng kung anu-ano lang. Tapos minsan text, palitan ng quotes. Gusto ko siya maging ka-close, pero hindi ko alam kung paano. Kaya inasam ko na lang sa aking mga pangarap na sana dumating yung time na yun. Sa mga pulong at assembly, gusto ko siya lapitan at batiin, makipagkwnetuhan. Kaso kapag andiyan na siya natetense naman ako, hindi ko alam kung paano ko siya babatiin. Minsan nga sa assembly humirit lang ako ng pangulit para lang magpapansin sa kaniya kaso sablay, hindi maganda ang naging dating sa kaniya, nainis pa siya sa akin tuloy noon! Mwahahahahahahaha! Hanggang ngayon siya pa rin ang aking Girl of My Dreams. Mahal ko yang girl na yan, hindi nga lang halata. Gusto ko siyang tawagin prinsesa kaso ayaw ko kasi may tumawag na sa kaniya nun eh.

Kewl?! Sobra! Sarap kasama, kakulitan, kakwentuhan, ano pa ba?! Alam nyo ba na natupad naman yung pangarap ko noon na maging close kami?! Nagsimula ang lahat ng hindi ko na rin maalala kung paano.. paano nga ba? Hehehehe. Ganito, last year textmate kami, palitan ng quotes, kamustahan paminsan-minsan, tapos nun usap din sa phone kwentuhan ng kung ano-ano, anything sa ilalim ni haring araw, hanggang sa mga hinaing ng buhay namin. Tapos nung district assembly naming last December, hindi siya naka-attend ng Saturday morning. Tinanong ko siya kung gusto niya umattend sa ibang circuit, samahan namin siya ni jhe. Ayun, dun na nagsimula ang lahat. January 1. Ang dami nangyari nung araw na yun, madami talaga hahahahahaha! Naging sobrang memorable yun araw na yun. After nun sunud sunod na din ang gimik namin as a group, same interest din kami sa music, mejo mellow lang sila ng konti, pero dahil sa kanila naappreciate ko na rin yung dating ayaw kong music, at ngayon isa na kami upcoming (paakyat sa hagdan) at promising (maraming pangako) na lokal band! Niloloko nga ako ni jhe eh, sabi niya sa akin dati kapag umaalis kami, dali vAsh, umayos ka, matagal mo hinintay yung pagkakataon na ito diba?! Lakwatsador din tong babae to, hindi nga lang halata, magaling magdala eh hehehehe.

Keng, nasan ka man ngayon, teka nasan ka ba?! Joke! Hehehe, wish ko ganun pa din, alam mo na yun, ayaw ko na ulitin kasi alam mo na yun, dadagdag na lang ako. Additional wish ko sana magkaroon ka pa ng maraming wish na matutupad agad. Hehehehe, naguluhan ka ba? Ako din eh, nahilo ako sa sinabi ko nay un. Basta po andito lang ako palagi, kami nila jhe, kung ikaw ay may problema, marami tayong option, kung gusto mo mag-ingay sabihin mo lang, pwede rin tayo magkape at magpahuli sa mga kapatid at parents mo. Pwede din na samahan ka naming lagyan ng ribbons si arancione at chiasso. Name it, suportahan ka namin! Oist, isip ka na lang ng ibang paraan paano ako makabayad sa utang ko sayo, wag na lang yung iniisip mo nung isang gabi… Mahirap masyado yun hehehehe.