19.9.05

vAsh in HK - Day 1

September 19, 2005
Whoaah! I did survive my first day in Hong Kong! After a sumptuous buffet dinner, here I am in my room doing documentation of my stay here! Wahahahaha! Ayosh parang totoo no! Hehehehe! Sige eto na ang kwento! I consider this one of the longest day in my life. I’ve waked up 3:45 am. Ay mali, alarm ko pala yun, nag-alarm ng 3:45 pero 4:00 am na ako bumangon. Knowing na 8am pa ang flight hindi ako nagmadali, nanood pa muna ako ng tv for 10 minutes before taking a shower. Alis ako ng bahay ng 4:30. Took a taxi to the airport and then check-in. Ang aga ko nasermunan ng teka anu nga ba siya? Hindi naman siya immigration officer. Sinermunan ako ng tao dun sa check-in counter. Husay kasi ng passport ko eh, parang 15 years ng ginagamit hehehe, natapunan kasi ng cologne kaya ayun basa hehehe. Akala ko nga hindi niya ako papayagan mag-check in eh, baka daw invalidated na yung passport ko kasi nga basa. Tapos tinanong ako anong gagawin ko sa HK, sabi ko mag attend ng training, tapos hiningan ako ng supporting letters at documents, buti na lang may dala ako. Tapos binalingan uli yung passport ko, dapat daw iniingatan ko yun, eh iniingatan ko naman eh, hindi nga lang naingatan mabuti :p nangangatwiran pa eh no. It reflects our personality daw, naisip ko, yung passport ko natapunan ng cologne, ibig sabihin ako mukha rin natapunan ng cologne hahahahahaha! Tapos kailangan ko mag fill up ng immigration card, wala ako ballpen buti na lang makapal ang mukha ko manghiram hehehe. Tapos ang sumunod ko naman hinarap eh ang masungit na immigration officer na matandang dalaga yata na mukhang wala sa bokabularyo niya ang salitang ngiti. Hindi ko nalagyan ng address yung space na saan daw ditto sa HK ako mag-stay, bigla akong tanungin gamit ang boses ni Bella Flores, "san ka tutuloy sa HK?" Sabi ko sa Royal Garden Hotel, sagot niya "isulat mo!" Kaya isinulat ko nanginginig pa, gamit ang ballpen niya hehehe. Akala ko nga bubusisiin pa niya yung passport ko na nilait lait na ng kumag kanina buti na lang hindi. Tapos dun na ako sa final security check, kung yung immigration officer hindi marunong ngumiti, yung lady guard naman na sumalubong sa akin ngiting-ngiti! Siya naman wala sa bokabularyo niya ang salitang simangot. Maiisip mo paano kaya hitsura niya pag nakahuli ng may dala-dalang prohibited substance, naninita pero nakangiti pa rin hehehe. Ayos nga eh, at least paglagpas ko sa dalawang masungit nakakita naman ako ng nakangiti. Punta ako ng gate 6 kasi dun daw ang boarding gate naming. Eh ang aga, 6 am nasa loob na ako, kaya naghanap muna ako ng kape. Nakakita naman agad ako, ang mahal ng kape sa airport, P35 isang cup pero ok lang, cute naman yung nagserve eh, hehehe. Tapos mukhang nacute-an din siya sa akin kasi sabi niya sa kasama niya nung pagtalikod ko, kamukha ko daw si harry potter hahahaha! Ayun dumating din ang 7:15am, boarding time, ayos nga eh, ontime ang PAL ngayon. Tapos eksakto 8am lumipad yung eroplano. 1 hour and 40 minutes ang biyahe sa plane. Lumapag yung plane sa airport ng 9:40am, nakalabas ang pasahero ng after mga 10 minutes. Mahaba ang pila sa immigration pero ok lang, madali lang naman eh, wala na gaano setseburetse. Hi tech yung airport ng HK, may temperature scan, tapos ang daming chinesse, bakit kaya? Hahahaha! Nagsawa agad ang mata ko sa mga magagandang dalagang chinesse! Ang cucute! Liliit ng mga mata nila, nakita ko nga si Bea eh, pati na si Keren at Tita Bella niya hehehe :p Pagkalabas ko ng immigration kuha ako ng baggage ko na kabibili ko lang eh may punit na hahaha! Nagpapalit ako ng dollar, HK$ 7.2 per dollar ang rate, nagpapalit ako ng $20 kaya HK$144 ang equivalent, galling ko noh?! Shempre base yan dun sa counter nila hehe. Tama lang yung pera ko kasi HK$120 daw yung Hotel Shuttle bus hanggang sa hotel. Kaso nung kukuha na ako ng ticket para sa shuttle bus, suggest nung lalaki sa booth na mag train na lang daw ako kasi mas mura. Actually hindi nga suggestion yung paraan niya ng pagkakasabi eh. Parang sabi niya magtrain ka na lang, mas ok kesa sa bus. Hindi ko alam bakit promote niya yung train hindi yung shuttle bus nila hehehe. Pero ok ang train, mabilis tapos maganda din ang view, kita ko ang dagat at magagandang girls hahahaha! Unang stop ng train Tsi Yi, tama ba? Nakalimutan ko na agad, tapos saka pa lang ang kowloon. Very nice ang mga tao, mababait, hindi ka maliligaw. Hintay ako ng free shuttle bus hanggang sa Kowloon Regal Hotel. Katabi nito yung Royal Grand na tinutuluyan ko. After nun pasok na ako, check-in ang cute ni Ms Polly Lai, kaso hindi siya yung nag-asikaso sa akin, Christine name nung nag-assist sa akin, cute din siya pero mas cute si Ms Polly Lai hehehe. Tapos ayun pagdating dito sa room, binuksan ko kaagad ang mahusay na plasma wide screen TV! Asteeg, sana pwede ko siya iuwi hehehe. Tapos browse ng mga palabas, shocks, puro chinesse wala ako maintindihan. News pati movies. Merong tatlong channel para sa movie, dalawang channel pay movie, ung isa free pero ang palabas tatlo lang, Ghost Ship, Tears of the Rising Sun and Enough. Napanood ko na lahat yun eh! Kaya idlip na lang muna ako hehehe. Kuha ako ng picture ng view dito sa window. Tapos gising ulit kuha ulit ng picture. Bukas ng umaga kukuha ulet ako ng picture para kumpleto yung morning noontime at evening pic ng view mula dito sa room hehehe. Nagising ako ng 5:30PM nood tv tapos prepare para sa welcome dinner. Asteeg exciting yung dinner kasi buffet, saka free hehehe. Dami ko nakain, tapos sinamantala ko yung salmon sushi, naalala ko bigla si drew ko, favorite niya yun eh. Ipagbabalot ko nga sana siya kaso bawal take out hahahaha! Sige na antok na ako bukas naman yung iba. Byebye.

No comments: